^

Bansa

Utang ng PhilHealth sa Red Cross lumobo uli sa P800 milyon

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Utang ng PhilHealth sa Red Cross lumobo uli sa P800 milyon
Sinabi ni Sen. Richard Gordon na tumatayo ring chairman ng PRC, ayaw na sana niyang pag-usapan ang utang ng PhilHealth para sa ginagawang COVID-19 testing pero hindi naman aniya maaring magbabayad ang gobyerno kung kailan lang gusto.
Joven Cagande

MANILA, Philippines — Tumaas na muli sa P800 milyon ang utang ng Philippine Health Insu­rance Corp. (PhilHealth) sa Red Cross (PRC), ayon kay Sen. Richard Gordon.

Sinabi ni Gordon na tumatayo ring chairman ng PRC, ayaw na sana niyang pag-usapan ang utang ng PhilHealth para sa ginagawang COVID-19 testing pero hindi naman aniya maaring magbabayad ang gobyerno kung kailan lang gusto.

Nangangamba si Gordon na lalong lolobo ang utang ng PhilHealth at baka mapilitan na naman silang itigil ang testing.

Ipinunto ni Gordon ang pangangailangan na bumili ng gamit at i-maintain ang pagpapasuweldo sa mga tao sa laboratoryo.

Sumulat na aniya ang secretary general ng PRC sa PhilHealth upang makiusap na magbayad ng utang.

Sa halip anya na mag-advance ng bayad ang gobyerno dahil sa kanila ipinapadala ang mga itini-test lalo na ang mga overseas Filipino workers ay inilalagay pa sa alanganin ang PRC.

Noong Oktubre 2020 ay itinigil ng PRC ang COVID-19 testing para sa pamahalaan matapos na lumampas sa P1 bilyon ang pagkakautang nito sa kanila.— Mer Layson

vuukle comment

PRC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with