^

Bansa

Duterte tinukoy mga opisyal sa PACC corruption list

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

Quezon Rep. Tan, iba pang solons idinawit sa DPWH anomaly

MANILA, Philippines — Pinangalanan ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte ang ilang kongresistang sangkot sa anomalya sa infrastructure projects.

Sa pulong sa Inter-Agency Task Force nitong Lunes, binasa ng Pangulo ang listahan mula sa Presidential Anti-Corruption Commission’s (PACC) na nag­lalaman ng pangalan ng mga House members na sangkot sa korapsyon.

“Angelina Helen Tan anomalous project in Quezon Province in newly constructed road that has not been open for public use was already broken on the onset of storm, it looks like beyond repair,” pahayag ni Duterte.

Bukod kay Tan, kabilang sa mga nabanggit  ng Pangulo na kongresista na sangkot umano sa anomalya sina Dating Ifugao Rep. Teodoro Baguilat,

Quezon City Rep. Alfred Vargas, Occidental Mindoro Rep. Josephine Sato, ACT-CIS Rep. Eric Yap, Bataan Rep. Geral­dine Roman, Misamis Occidental Rep. Henry Oaminal, Northern Samar Rep. Paul Daza.

Ayon sa Pangulo, si Tan ay sangkot sa maanomalyang proyekto ng DPWH sa Quezon Province partikular sa bagong ginawang kalsada na hindi nabuksan para sa public use subalit agad nasira nang may dumaang bagyo.

Sinabi rin niya, sa pagbasa niya sa pangalan ng mga nasa listahan ay hindi naman nangangahulugang lahat sila ay guilty na sa korapsyon.

Magugunitang ang mister ni Rep. Tan na si DPWH regional director Engr. Ronnel Tan ay inireklamo ni Quezon councilor Arkie Manuel Yulde ng administratibo at kriminal dahil sa pagpapaagaw umano ng pera sa isang party na aabot  sa P2 hanggang 3 million ang halaga.

Habang si Cong. Roman ay diumano’y nanghihingi ng 10% kickback sa lahat ng proyekto ng DPWH sa kanyang distrito.

Kasama rin si Cong. Ramirez-Sato ng Occidental Mindoro dahil sa umano’y mga ghost pro-jects sa kanyang distrito kung saan nagsisilbing bagman umano ang district engineer na 10 taon ng nasa posisyon.

Namamanipula naman umano ni Yap ang bidding sa pamamagitan ng kanyang agent at nakokontrol ang mga proyekto ng distritong nakatalaga sa kanya.

Itinanggi naman nina Tan, Yap, Sato, Daza at Vargas ang alegasyon na umano’y nais lamang dungisan ang kanilang pa-ngalan sa pagkakadawit sa PACC list na umano’y pulitika ang motibo.

Pero nilinaw din ni Duterte na ayaw niyang makipag-away sa mga nabanggit na mambabatas na bagaman ay may nagbigay ng mga pangalan sa PACC ay wala pang matibay na ebidensiya.

Kasabay nito, ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang pagsibak sa ilang district engineers ng DPWH na diumano’y nakikipag-kutsabahan sa ilang mambabatas sa House para makakuha ng kickbacks sa mga proyekto.

vuukle comment

PACC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with