^

Bansa

UK travel ban pinalawig pa ni Duterte

Danilo Garcia, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
UK travel ban pinalawig pa ni Duterte
Sa undated photo na ito, makikitang nakasakay sa eroplano ang mga pasaherong ito sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Released/Department of Foreign Affairs

MANILA, Philippines — Pinalawig ng dalawa pang linggo ni President Rodrigo Duterte ang ipinatutupad na travel ban sa mga biyaherong manggagaling sa United Kingdom patungong Pilipinas.

Ito’y matapos na madiskubre ang bagong strain ng COVID-19 sa UK na mas nakakahawa.

Ang travel ban ay ipinatupad sa lahat ng mga pasahero na galing o dumaan sa UK noong Disyembre 24 at tatagal sana hanggang Disyembre 31.

Subalit sa emergency meeting kamakalawa ng gabi ay inirekomenda ni Presidential Spokesman Harry Roque kay Pangulong Duterte na palawigin pa ang travel ban ng dalawang linggo na inaprubahan naman ng Presidente.

Samantala, lahat ng mga biyaherong manggaling sa mga bansang may bagong strain ng COVID-19 tulad ng Hong Kong, Australia at Singapore na magtutungo dito sa Pilipinas ay kailangang sumailalim sa 14-day quarantine kahit ano pa ang maging resulta ng kanilang PCR test.

Ang mga biyahero mula sa UK ay ilalagay sa qua­rantine facilities sa Clark, Pampanga.

Iniulat naman ni Health Secretary Francisco Duque III na, sa 79 pasahero na dumating sa Pilipinas mula sa UK, isa rito ang positibo sa COVID-19.

Nilinaw naman ni Duque na hindi pa nasisiguro kung ang bagong strain ng virus ang tumama dito dahil mayroon pang mga pagsusuring gagawin.

Iniulat din niya sa Pangulo na hanggang ngayon ay hindi pa nakakapasok sa bansa ang bagong strain ng COVID-19.

vuukle comment

TRAVEL BAN

UK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with