^

Bansa

Face-to-face classes binawi ni Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Face-to-face classes binawi ni Duterte
Sa pagsisimula ng meeting ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Di­seases na pinangunahan ng Pangulo, inanunsiyo nito ang pagbawi ng naunang desisyon.
The STAR/Edd Gumban, file

Dahil sa bagong strain ng COVID-19

MANILA, Philippines — Binawi kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon na payagan ang pilot testing ng face-to-face classes dahil sa bagong strain ng COVID-19 na posibleng makapasok sa bansa.

Sa pagsisimula ng meeting ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Di­seases na pinangunahan ng Pangulo, inanunsiyo nito ang pagbawi ng naunang desisyon.

“I’m calling back the order. I will not allow face- to-face classes of children until we are through with this,” ani Duterte.

Sinabi ng Pangulo na dapat lamang na ha­rapin ang bagong ka­ganapan sa nakahahawang sakit.

“Prudence tells us that we should confront this emerging infectious di­sease. I have allowed kasi the face-to-face classes,” ani Duterte.

Matatandaan na pina­yagan ng Pangulo ang face-to-face classses sa susunod na taon sa mga lugar na mababa ang kaso ng COVID-19.

Sinabi rin ng Pangulo na nanawagan ang National Task Force on COVID-19 sa publiko na huwag magpanic at sundin lamang ang advisories ng nagmumula sa mga “official sources.”

Ayon pa sa Pangulo, mas pinaigting pa ang monitoring ng frontline partners ng gobyerno upang matiyak na hindi makakapasok sa bansa ang bagong strain ng coronavirus.

vuukle comment

CLASS

PRESIDENT DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with