IATF pag-uusapan sa Lunes ang quarantine classifications para sa Enero 2021
MANILA, Philippines — Sa Lunes, Disyembre 28 pag-uusapan ng The Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang magiging pagbabago sa quarantine classifications sa iba’t ibang lugar sa bansa para sa buwan ng Enero.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ibabatay ang desisyon sa pagpapalit ng quarantine status sa rami ng bilang ng COVID-19 sa isang lugar.
Nauna rito, inirekomenda ni Doctor Maricar Limpin ng Philippine College of Physicians na higpitan ang restrictions at ilagay muli ang bansa sa MECQ kapag umabot sa 4,000 ang kaso araw-araw.
“We have a scientific process that we undertake every month so that we can determine the risk classification of our country and the specific areas in our country. Sa 28 po magkakaroon na po ng IATF meeting, magkakaroon na po nang pakikipag-discussions ‘no with our IATF members as well as with our other experts so malalaman po natin iyan,” ani Vergeire.
Idinagdag ni Vergeire na ikinokonsidera rin sa paghihigpit ng quarantine classifications ang kapasidad ng health system.
Nauna nang sinabi ng OCTA Research Group na posibleng umabot sa 4,000 kada araw ang kaso ng COVID-19 dahil sa pagsisiksikan at paglabas ng tao ngayong Kapaskuhan.
- Latest