^

Bansa

Killer cop umapela sa PNP: ‘Tulungan n’yo po ang pamilya ko’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagmamakaawa ng tulong para sa kanyang pamilya si Police Staff Sgt. Jonel Nuezca matapos niyang sabihing nagsisisi siya sa brutal na pagpatay sa mag-inang nakaalitan niya sa Paniqui, Tarlac noong Linggo.

Sinabi ito ni Police Regional Office 3  Director P/Brig.Gen. Valeriano de Leon matapos niyang bisitahin sa piitan si Nuezca kung saan sinermunan niya ang nasabing parak sa nagawang krimen matapos ulanin ng pagbatikos ang PNP.

Sa video na nakuha ng ABS-CBN News, kita ang pakikipag-usap ni De Leon kay Nuezca. Dito, sinabi ni Nuezca na sising-sisi siya sa ginawang pagpaslang.

“Sir, inaamin ko po yung pagkakamali ko. Sobrang emosyon. Nagsisisi po ako sa ginawa ko. Laking pagsisisi, Sir, unang una para sa pamilya ko, Sir,” sabi ng suspek.

Hiling niya, tulungan ang kanyang pamilya.

“Sir, sana matulungan niyo po ako... Sir para sa pamilya ko nalang po,” ani Nuezca.

Sinabi ni De Leon na nais ni Nuezca ang kaligtasan ng kaniyang pamilya at ang kaniyang serbisyo kaya medyo nagalit siya dahil matapos itong pumatay ng mag-ina ay nais pang mabigyan ng tsansa.

“That is his plead na nagmamakaawa para tulungan so it’s a very general statement na tulungan kasi alam naman niyang mapipiit na siya sa kulungan at saka ‘yung sa pamilya niya,” pahayag ng opisyal.

Sa kabila nito, sinabi ni De Leon na tutulungan nila ang pamilya Nuezca matapos ang nangyaring trahedya gayundin para magkaroon ang mga ito ng komunikasyon sa nakakulong na si Nuezca.

Nahaharap sa kasong 2 counts of murder si Nuezca, 46, matapos ang malapitan niyang pagbaril sa ulo ng kapitbahay na sina Sonya Gregorio at anak nitong si Frank, na nakuhanan pa ng video.

Nauna nang sinabi ng pamilya Gregorio na hindi nila mapapatawad si Nuezca sa ginawa nitong pagpatay sa mag-ina.

Nakapiit ang tinaguriang “killer cop” sa Tarlac. Si Nuezca ay naka-assign sa Parañaque City police crime laboratory, pero sa Paniqui ang residence nito at ng kaniyang pamilya.

Dati nang naharap si Nuezca noong 2019 sa 2 kaso ng grave misconduct dahil sa homicide, pero na-dismiss dahil sa “lack of substantial evidence.”

Inakusahan din siya noong 2016 ng kapaba­yaan sa tungkulin dahil sa ‘di pagsipot bilang witness sa isang drug case.

Noong 2014, nasus­pinde siya nang 1 buwan matapos tumangging magpa-drug test. Nasangkot rin daw ito sa extortion case.— Raymund Catindig

vuukle comment

COP

KILLER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with