^

Bansa

Kahit 38% ng Pinoy 'mas mahirap' ngayong Pasko, 91% positibo para sa 2021 — Pulse Asia

Philstar.com
Kahit 38% ng Pinoy 'mas mahirap' ngayong Pasko, 91% positibo para sa 2021 � Pulse Asia
Pila ng sanlaksang residente ng Lungsod ng San Juan sa isang ATM machine sa San Juan Arena para makuha ang kanilang ayuda sa pamamagitan ng social amelioration program (SAP), ika-28 ng Agosto, 2020
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Sa gitna ng sari-saring krisis na sumalubong sa mga Pilipino ngayong 2021 buhat nang umarangkada ang coronavirus disease (COVID-19), posibitong haharapin ng karamihan ng populasyon ang darating na taon.

Ito ang lumalabas kung pagbabatayan ang resulta ng panibagong pag-aaral ng Pulse Asia, bagay na inilabas ngayong Miyerkules.

"[Over] 38% of Filipino adults opine that this year’s holiday season will be less prosperous for their families while only 8% are looking forward to a more prosperous celebration this year,"

"Despite the continuing COVID-19 pandemic and other concerns, Filipinos have a positive attitude as far as the year ahead is concerned, with 91% saying they will face the new year with hope." 

Sinasabing isinagawa ang nasabing survey sa pagitan ng ika-23 ng Nobyembre hanggang ika-2 ng Disyembre, 2020 gamit ang harapang panayam ng 2,400 katao edad 18-anyos pataas sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Nangyayari ang lahat ng ito kahit na nasadlak ang Pilipinas sa isa pinakamataas na unemployment rate sa kasaysayan dahil sa kaliwa't kanang lockdown at pagsasara ng ilang negosyo dahil sa COVID-19.

Bukod pa riyan sa pagdapa ng economic growth ng Pilipinas mula Abril hanggang Hunyo — ang pinakamatindi simula noong 1981.

Sa kabila ng pagiging masalimuot ng Kapaskuhan para sa signipikanteng populasyon ng bansa, karamihan pa rin naman ang nagsasabing "pareho lang" ang magiging holiday season nila ngayong 2020 sa tantos na 55%.

Kakaonti lang naman ang nagsabing mas masagana ang kanilang Christmas at New Year sa 8%. 

"Only 1% of Filipino adults are facing the coming year without hope while 8% are ambivalent on the matter. These figures are essentially the same as those recorded by Pulse Asia Research in December 2019," patuloy ng Pulse Asia.

Dagdag pa ng mga mananaliksik, walang nagkomisyon ng nasabing "Ulat ng Bayan" survey at hindi aniya naimpluwensyahan ng anumang "religious, political, economic, or partisan group."

Sinasabing may ± 4% error margin ang submnational estimates para sa lahat ng geographic areas (Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao) at may 95% "confidence level." — James Relativo

vuukle comment

CHRISTMAS

NEW YEAR

NOVEL CORONAVIRUS

PULSE ASIA

SURVEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with