^

Bansa

17K noche buena packs bigay ng Pitmaster sa ‘poorest of the poor’ ng NCR

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Namahagi ng 17,000 food packs para sa noche buena ang Pitmaster Foundation Inc. sa 17 lungsod ng Metro Manila.

Ayon kay Pitmaster Foundation Executive Di-rector Caroline Cruz, ipina­daan sa mga mayors ang noche buena donations ay sila na ang bahalang magbigay nito sa pinakamahirap na mga constituents nila.

“This is our little way na iparamdam sa mga mahihirap na mga kababayan natin na kahit may pandemic, tuloy ang Pasko sa pamamagitan ng simpleng salo-salo ng pamilya,” sabi ni Atty. Cruz

Ani Cruz, bawat lungsod ay hinatiran ng 1,000 food packs na nagkakahalaga ng P500 bawat isa.

Ito ay naglalaman ng ilang kilo ng bigas, de lata, spaghetti, fruit cocktail, at iba pa.

“Ramdam po namin sa Pitmaster ang pinagdadaanan ng mga tao sa mga panahon ngayon lalo na ang mga mahihirap na simula pa noong ECQ ay problema na ang pagkain,” dagdag pa ni Cruz.

Abut-abot naman ang pasasalamat ng mga LGUs sa NCR sa maagang pa-noche buena ng naturang foundation.

vuukle comment

DONATION

METRO MANILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with