^

Bansa

Mga bus na biyaheng probinsiya dinagdagan

Pilipino Star Ngayon
Mga bus na biyaheng probinsiya dinagdagan
Dinagdagan umano ang mga bus bilang tugon sa inaasahang dami ng mga pasaherong bibiyahe pauwi ngayong holiday season.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nasa 269 bus ang madadagdag sa mga puwedeng bumiyahe sa 10 rutang inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) pa­punta ng mga probinsiya simula ngayong Lunes, Disyembre 21.

Ito ay iyong mga point-to-point utility bus na pinapayagan ng LTFRB at mga lokal na pamahalaan na bumiyahe galing Metro Manila.

Dinagdagan umano ang mga bus bilang tugon sa inaasahang dami ng mga pasaherong bibiyahe pauwi ngayong holiday season.

Ayon kay Joel Bolano, technical division head ng LTFRB, bawal dumaan ang mga provincial bus sa EDSA.

Halimbawa, ang mga biyaheng pa-NAIA at Parañaque Integrated Terminal Exchange mula Pampanga at Baguio ay dadaan sa A. Bonifacio.

Sa Mindanao Avenue naman ang daan ng mga bus na may rutang pa-SM North Edsa.

“’Yong Baguio nag-uubusan na ngayon. Mabilis mapuno ‘yan. Pangalawa ang pa-Batangas City. Payo sa mga kababayan na mag-inquire sila nang maaga,” ani PITX Corporate Affairs and Go­vern­ment Relations Head Jason Salvador.

Ayon sa PITX, mula sa 50,000 pasahero kada araw nitong mga nakaraang buwan, umabot na ito sa 61,000 hanggang 65,000 kada araw nga­yong Disyembre.

Kaya para matiyak na naipapatupad nang maayos ang health protocols, gaya ng pagsuot ng face mask at shield, nagdagdag na rin ng mga pulis sa mga terminal.

Sa loob ng mga bus, limitado pa rin ang bilang ng mga pinasasakay. One seat apart ang mga pasahero, maliban na lang kung mag-asawa o magkamag-anak.

Umaasa ang pamu­nuan ng PITX na mas dadami pa ang mga uuwi ng probinsiya sa mga susunod na araw kaya ipinapayo rin nila sa mga pasahero na mag-advance ng booking at siguruhing kumpleto ang mga kailangang dokumento.

vuukle comment

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with