^

Bansa

Extension ng 2020 budget, Bayanihan 2 aprub ng Senado

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaprubahan na ng Senado ang dalawang panukalang batas na naglalayong magamit sa pagtugon sa COVID-19 pandemic sa susunod na taon ang mga pondong hindi mauubos ng ibat ibang ahensiya ngayong taon.

Sa botong 18 pabor, walang tutol at walang abstention ay inaprubahan ang extension hanggang Disyembre 31, 2021 ng bisa ng batas tungkol sa 2020 national budget.

Nangangahulugan ito na maaaring gamitin hanggang sa susunod na taon ang P110 bilyon na natitira sa 2020 budget.

Inaprubahan din ang panukalang batas para sa extension hanggang June 30,2021 ng Bayanihan to Recover As one Act o Bayanihan 2 na mapapaso sa Disyembre 19.

Ibig sabihin ay maaaring gamitin hanggang June 2021 ang P38 bilyon na regular appropriations na natitira sa Bayanihan 2.

Sinabi ni Senador Sonny Angara, chairman ng Senate Committee on Finance na ang P148 bilyon na pinagsamang halaga mula sa dalawang panukalang batas ay magagarantiyahan ang P100 milyon para sa sweldo, hazard pay, special allowances para sa mga medical frontliners na kinuha ng DOH.

Gayundin ang mga pautang sa mga maliliit na negosyo at garantisado ding magagamit pa sa susunod na taon ang P60.7 bilyon ng DepEd para sa school feeding program, mga libro at iba pang mga gamit sa pagtuturo.

vuukle comment

NATIONAL BUDGET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with