^

Bansa

Internet connectivity sa rural areas bubuti

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Internet connectivity sa rural areas bubuti
to, ayon kay Sen. Sonny Angara ay dahil dinagdagan na ang budget ng Department of Information and Communication Technology (DICT) at kapag natapos na ang unang phase ng National Broadband Program (NBP).
Philstar.com/ File

MANILA, Philippines — Inaasahang magiging maayos na ang internet connectivity sa bansa maging sa pinakaliblib na lugar sa bansa.

Ito, ayon kay Sen. Sonny Angara ay dahil dinagdagan na ang budget ng Department of Information and Communication Technology (DICT) at kapag natapos na ang unang phase ng National Broadband Program (NBP).

Sa ilalim ng P4.5 trillion General Appropriations Bill na niratipikahan nitong nakaraang linggo ng Kongreso, sinabi ni Angara, chairman ng Senate Committee on Finance, na dinoble nila ang budget ng DICT para sa NBP mula sa panukalang P902.194 milyon sa National Expenditure Program hanggang sa P1.9 bilyon.

Bukod pa ito sa pina­patupad na programang libreng Wifi sa mga pampublikong lugar at sa state universities and colleges (SUCs) ng DICT.

Paliwanag ng senador, dapat na rin bilisan ng gobyerno ang internet infrastructure sa bansa para sa mas maraming pagpasok ng investments at magkaroon ng mas maraming trabaho at economic activity ang bansa .

Bukod dito, dapat magkaroon ng mabilis at stable na internet connection sa bansa lalo na ngayon na walang face to face transactions sa gobyerno at pribadong sektor gayundin sa mga eskwelahan sa ilalim ng new normal.

vuukle comment

DICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with