^

Bansa

Makabayan Bloc idiskuwalipika sa susunod na eleksiyon – Lorenzana

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Makabayan Bloc idiskuwalipika sa susunod na eleksiyon � Lorenzana
Sa radio interview kay Lorenzana, na member ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), na isa ito sa kanilang nakikitang solusyon upang matigil na ang mga ginagawang kaguluhan ng mga communist rebel.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nais ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na  ma­diskuwalipika sa susunod na halalan ang Makabayan Bloc partylist na nagbibigay ng lakas ng loob sa mga komunista na maghasik ng karahasan.

Sa radio interview kay Lorenzana, na member ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), na isa ito  sa kanilang nakikitang solusyon upang matigil na ang mga ginagawang kaguluhan ng mga communist rebel.

Una nang itinanggi ng Makabayan Bloc na miyembro  o front sila ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army.

Sinabi ni Lorenzana na alam ng lahat ang kasaysayan ng CPP-NPA at ang patuloy na pagbatikos sa pamahalaan. Habang nananatili umano ang Makabayan Bloc na legal fronts ng komunista, hindi matatapos ang paghahasik ng mga ito ng gulo sa iba’t ibang panig ng bansa.

Nakakapagtakang hindi man lang binabatikos ng Makabayan Bloc ang gawain ng CPP-NPA na nanga­ngahulugan na kasamahan din nila ang mga ito.

Subalit sinabi ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate, na ang hindi nila pagkondena sa mga komunista ay hindi indikasyon na miyembro sila ng organisasyon.

Giit pa ni Lorenzana, hindi maisasakatuparan ang mga social reforms kung may patuloy na susuporta sa mga makakaliwang grupo na nagpapagulo sa pamahalaan.

vuukle comment

DELFIN LORENZANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with