^

Bansa

CPP-NPA ‘persona non grata’ sa 1,546 LGUs

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
CPP-NPA �persona non grata� sa 1,546 LGUs
Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na dati ring general, na hudyat na ito ng malapit nang pagtatapos ng mahigit 50-taong pagsira ng CPP-NPA sa buhay, ari-arian at kinabukasan ng mga Pilipino lalo na ng mga kabataan.
Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Idineklarang “persona non grata” ng 1,546 lokal na pamahalaan sa buong bansa ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front of the Philippines (CPP-NPA-NDFP) kasama na ang mga front organizations nito.

Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na dati ring general, na hudyat na ito ng malapit nang pagtatapos ng mahigit 50-taong pagsira ng CPP-NPA sa buhay, ari-arian at kinabukasan ng mga Pilipino lalo na ng mga kabataan.

Sa ngayon, mula sa kabuuang 1,715 LGUs sa bansa, 64 na probinsya, 110 lungsod at 1,372 munisipalidad na ang nag­labas ng kanya-kanyang resolusyon na nagdedeklarang persona non grata ang communist terrorist groups.

Kasabay daw ng sama-samang paglaban sa COVID-19 pandemic, sumapit na rin ang takdang panahon para wakasan ang napakatagal nang problemang dulot ng insurgency sa pamamagitan ng pagkakaisa ng buong bansa.

vuukle comment

CPP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with