^

Bansa

AFP nakaalerto ngayong Kapaskuhan

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nakaalerto ang militar ngayong Kapaskuhan at nalalapit na anibersaryo ng CPP-NPA-NDF.

Sinabi ni Lorenzana na paiigtingin ng militar ang pagbabantay lalo na sa mga malalayong barangay habang papalapit ang Disyembre 26 na anibersaryo ng komunistang grupo.

Nauna nang idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang magaganap na ceasefire sa pagitan ng gobyerno at komunistang grupo.

Ani Lorenzana, gumagawa pa rin ng karahasan ang CPP-NPA-NDF upang ipakita na hindi sila nawawala.

Ayaw namang gamitin ni Lorenzana ang salitang “all-out-war” dahil hindi aniya ito magandang pakinggan.

Para sa kanila, ang “all-out-war” ay ang pagtutulung-tulong ng buong gobyerno kabilang na ang mga local government units para masugpo at matapos na ang insureksiyon.

vuukle comment

DELFIN LORENZANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with