Nationwide lockdown sa Kapaskuhan, fake news – Roque
MANILA, Philippines — Nilinaw ni Presidential Spokesman Harry Roque na “fake news” ang ulat na sasailalim sa nationwide lockdown ang bansa ngayong Kapaskuhan.
Ayon kay Roque, walang katotohanan ang kumalat kahapon na text message na magla-lockdown mula Disyembre 23 hanggang Enero 2.
Nanawagan naman si Cabinet Secretary Karlo Nograles sa mga Filipino na iwasang magkalat ng mga unverified information.
“Do not believe fake news. Alamin ang totoo. Huwag maniwala at huwag po magkalat ng fake news lalo na ngayong panahon. Patuloy lang po tayo maging responsable sa sarili at sa pamilya,”ayon kay Nograles.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang Metro Manila, Batangas, Iloilo City, Tacloban, Lanao del Sur, Iligan at Davao City ay sasailalim sa general community quarantine (GCQ) hanggang katapusan ngayong buwan para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Habang ang ilang lugar sa bansa ay mananatili sa modified GCQ.
- Latest