^

Bansa

COVID-19 vaccine handa na sa first quarter ng 2021 – FDA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
COVID-19 vaccine handa na sa first quarter ng 2021 � FDA
Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, ito ay base sa pinakahuling mga positibong kaganapan sa pagdebelop ng mga pharmaceutical companies ng bakuna sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Kabilang dito ang pag-apruba na ng United Kingdom sa paggamit ng bakuna ng Pfizer-BioNTech.
AFP/Yaksin Akgul

MANILA, Philippines — Inaasahang mapapaaga ang distribusyon ng bakuna kontra sa COVID-19 na maaaring maipamahagi sa unang quarter ng 2021.

Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, ito ay base sa pinakahuling mga positibong kaganapan sa pagdebelop ng mga pharmaceutical companies ng bakuna sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Kabilang dito ang pag-apruba na ng United Kingdom sa paggamit ng bakuna ng Pfizer-BioNTech.

Inaasahan din na ma­bibigyan na ng ‘emergency use authorization’ ang Pfizer at Moderna para sa kanilang bakuna sa susunod na dalawang linggo.

“Kapag nag-apply po sila dito sa atin maaa­ring by first few weeks of January mayroon na rin po tayong maibigay na emergency use authorization. Baka mapaaga nang kaunti, baka magkaroon ng chance na mga March ay magkaroon na ng bakuna sa Pilipinas,” ayon kay Domingo.

Ngunit kung susuwertihin, maaaring mas maaga pa o sa Enero maging handa ang bakuna sa Pilipinas.

Magiging depende umano ito sa dami ng produksyon at kung may mailalaan na suplay para sa Pilipinas.

Para mapabilis naman ang ‘availability’ ng bakuna, pinaigsi ng pamahalaan ang FDA approval sa 40 araw o mas mababa pa para sa pag-iisyu ng ‘emergency use authorization (EUA)’ sa Pilipinas.

Bukod sa Pfizer at Mo­derna, ilan sa nangunguna sa pagdebelop ng bakuna at posibleng magsuplay sa Pilipinas ang mga kumpan­yang Sinovac, Sinopharm at AstraZeneca.

vuukle comment

FDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with