^

Bansa

Kamara pinaaaksyon vs Makabayan Bloc

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Kamara pinaaaksyon vs Makabayan Bloc
Sa nagkakaisang pahayag ng League of Parents of the Philippines (LPP), Liga Independencia Pilipinas (LIPI), Hands Off Our Children (HOC) at grupong Yakap ng mga Magulang, ang Kamara at hindi ang Senado ang may hurisdiksyon sa Makabayan Bloc kaya hinihintay ng publiko ang aksyon ni House Speaker Lord Allan Velasco.
Lord Allan Jay Velasco/Facebook

MANILA, Philippines — Pinaaaksyunan ng anti-communist group sa liderato ng Kamara ang Makabayan Bloc solons, na ayon mismo kay Pangulong Rodrigo Duterte ay mga “front” ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Sa nagkakaisang pahayag ng League of Parents of the Philippines (LPP), Liga Independencia Pilipinas (LIPI), Hands Off Our Children (HOC) at grupong Yakap ng mga Magulang, ang Kamara at hindi ang Senado ang may hurisdiksyon sa Makabayan Bloc kaya hinihintay ng publiko ang aksyon ni House Speaker Lord Allan Velasco.

Una nang ipinagtanggol ni Velasco ang Makabayan Bloc sa red tagging sa pagsasabing walang ebidensya si AFP General Antonio Parlade sa akusasyon nito.

Giit ni LPP Chair Remy Rosadio, ngayong may malinaw nang ebidensya ay dapat gampanan na ng Speaker ang kanyang pagiging lider.

“Hinahamon namin si Speaker Velasco na magsagawa ng imbestigasyon sa ethics committee at patalsikin na sila bago mahuli pa ang lahat,” giit pa ni Rosadio.

Sinabi rin ni Gemma Labsan, founder ng Hands Off Our Children na may kapangyarihan si Velasco na makapagsagawa ng imbestigasyon dahil isang House Inquiry ang kailangan para mailantad kung ano ang ginagawa ng Makabayan Bloc sa Kongreso.

Naniniwala ang grupo na hanggang nasa Kamara ang Makabayan Bloc ay magagamit umano nila itong platform para sa kanilang “recruitment” kaya malaki ang nakaatang na responsibilidad kay Velasco na wakasan ito.

Ang ugnayan ng Makabayan Bloc sa CPP-NPA ay lalo umanong napatunayan ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana nang mapatay sa naging engkuwentro ng militar at rebelde ang bunsong anak ni Bayan Muna Rep. Eufemia Culliamat na si Jevilyn.

vuukle comment

NDF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with