^

Bansa

Face-to-face classes tablado kay Bong Go

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinabla ni Sen. Bong Go ang mungkahi ng ilang kasamahan sa Senado na pahintulutan na ang face-to-face classes.

Pinanindigan ni Go, chairman ng Senate committee on health, ang kanyang posisyon at pagsuporta sa tindig ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag munang payagan ang phy-sical classes sa mga paaralan hanggang wala pang nabibiling ligtas na bakuna laban sa COVID-19.

Paliwanag pa ng senador, na huwag ikumpara ang pagbubukas ng paaralan sa pagpapahintulot sa sabong at pamamasyal sa ilang tourist destination dahil nasusunod nito ang mga health protocols.

Alam naman umano ng lahat na malilikot ang mga bata kaya delikado sa kanila, mga guro at mga school staff na magkaroon ng hawahan at magiging kumplikado ‘pag nagkaroon ng contact tracing.

Kapag nangyari umano ito ay posibleng maging back to zero ang laban ng bansa sa COVID-19.

Ang pahayag ni Go ay bunsod sa rekomendasyon nina Senators Sherwin Gatchalian, Nancy Binay at Imee Marcos na pahintulutan ang limited face-to-face classes para higit na matuto ang mga bata at mas magabayan dahil karamihan sa kanila ay walang electronic gadget.

“Aanhin po natin ang another year level, kung magkakasakit naman ang mga bata? Alam ninyo po, napakahirap po magkasakit ng COVID-19 sa panahong ito. Ni hindi ninyo po masasamahan o mabibisita ang pasyente sa ospital.

Kaya huwag nating biglain. Unahin natin ang kalusugan ng bawat bata, kalusugan ng bawat Pilipino,” ayon sa mambabatas.

vuukle comment

CLASS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with