^

Bansa

COVID-19 cases sa bansa tumalon sa 434,357; gumaling halos 400,000 na

Philstar.com
COVID-19 cases sa bansa tumalon sa 434,357; gumaling halos 400,000 na
Sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic, makikitang sumusunod sa physical distancing ang mga deboto sa larawan habang isinasagawa ang first Friday mass sa Plaza Miranda, Maynila, ika-27 ng Agosto, 2020
The STAR/Miguel de Guzman, File

MANILA, Philippines — Patuloy pa rin ang pag-akyat ng bilang ng coronavirus disease (COVID-19) cases sa Pilipinas sa pagpasok ng ikalawang araw ng Disyembre sa gitna ng mga debate kung papayagan na ang paglabas-labas ng mga bata sa mga lugar gaya ng malls ngayong Kapaskuhan. 

Sumabit na kasi sa 434,357 ang kabuuang bilang ng infections sa Pilipinas, matapos tablan nito ang 1,438 pang katao, ayon sa Kagawaran ng Kalusugan ngayong Miyerkules.

"Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.2% (26,916) ang aktibong kaso, 91.9% (399,005) na ang gumaling, at 1.94% (8,436) ang namatay," sabi ng Department of Health (DOH) ngayong araw.

"Samantala ay mayroon namang naitalang 232 na gumaling at 18 na pumanaw."

Natuklasan sa sumusunod na lugar ang karamihan sa mga COVID-19 cases na bagong balita lang ng DOH:

  • Davao City (142)
  • Laguna (89)
  • Lungsod ng Quezon (80)
  • Lungsod ng Maynila (63)
  • Pampanga (58)

Tinanggal naman na mula sa total case count ang animna duplicates sa ngayon, matapos mapag-alamang tatlo sa kanila ay gumaling na.

Anim naman sa mga unang naibalitang gumaling na ay ni-reclassify naman na namatay. Nananatiling nasa 11 laboratoryo ang hindi nakapagpasa ng kani-kanilang mga datos sa COVID-19 Data Repository System (CDRS) nitong Martes.

DOH: Menor de edad, huwag muna lumabas

Kasabay ng patuloy na peligro ng pandemya sa bansa, pinaalalahanan naman ng DOH ang publiko na huwag munang hahayaang lumabas-labas ng bahay ang mga menor de edad na wala pang 15-anyos.

Ito ang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III matapos lumabas ang mga balitang "papayagan" na ang mga batang pumunta sa matataong lugar gaya ng shopping malls basta't may kasamang matanda.

Basahin: Parents will be allowed to bring kids to malls in GCQ areas, Año says

May kaugnayan: 'Not exempted from infection': DOH discourages minors from going out

"Tandaan natin, sa siyam na buwan na ating karanasan sa COVID-19, ang dami nating bagong mga impormasyon na natutunan," sabi ni Duque sa media ngayong araw.

"At isa rito ay halos mga 3-5% ng ating total infected cases ay sa mga bata nangyari. So hindi po sila exempted sa hawaan."

Aniya, kahit na hindi magkaroon ng malalang sintomas ang mga bata, maaaring maglagi ang SARS-CoV-2 — ang virus na nagdudulot ng COVID-19 — sa ilong at lalamunan ng mga chikiting.

"'Yan pa rin po ang ating posisyon, we discourage this. 'Wag na pong lumabas ang mga bata. 'Yung dati naman pagka 15 years of age hanggang 65, 'yan naman ay pinapahintulutan na 'yan. Pero siyempre, nasa mga local government units ang desisyon. Kung ipagbabawal nila 'yan, magandang masundan ng ordinansa," patuloy ni Duque.

Ayon sa World Health Organization (WHO), halos 62.84 milyon na ang nahahawaan ng nasabing sakit sa buong daigdig. Sa bilang na 'yan, 1,465,144 na ang patay. — James Relativo at may mga ulat mula kay Gaea Katreena Cabico

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with