^

Bansa

Batanes nag-iisang lugar na may 'zero COVID-19 cases' sa Pilipinas nitong buwan

James Relativo - Philstar.com
Batanes nag-iisang lugar na may 'zero COVID-19 cases' sa Pilipinas nitong buwan
Binubuhat ng magulang na ito ang mga learning packets at school materials ng kani-kanilang anak mula sa Dagat-dagatan Elementary School sa Lungsod ng Navotas sa gitna ng COVID-19 pandemic, ika-4 ng Setyembre, 2020
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Aminado ang Department of Health na talamak pa rin ang coronavirus disease sa Pilipinas, bagay na nagpapalabo pa diumano sa pagkakaroon ng harapang pagtuturo at klase sa gitna ng pandemya ngayon.

Ito ang sinasabi ng datos ng DOH ngayong araw kahit sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III noong Martes na pwedeng ikunsidera ang face-to-face classes sa mga lugar na "low-risk" o "COVID-free" nitong nakaraang dalawa hanggang apat na linggo.

"Sa hanay ng mga probinsya, ng highly urbanized cities and independent component cities, halos wala nang lugar na zero cases for the last two to four weeks," sabi ni Duque, Miyerkules, sa mga reporters.

"Lahat 'yan meron, except for Batanes. Batanes lamang ang probinsya na nakapagtala ng zero COVID cases for the last two to four weeks."

Kahapon lang nang umabot sa 432,925 ang kaso ng COVID-19 sa buong Pilipinas, kung saan 8,418 dito ay pumanaw na dahil sa nakamamatay na virus.

Aniya, tuloy pa rin ang polisiya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at Department of Education pagdating sa kasalukuyang sistema ng edukasyon.

Matatandaang nagpapatupad ng blended o distance learning ang mga paaralan sa Pilipinas ngayon dahil sa banta ng COVID-19, gaya na lang ng pagtuturo sa pamamagitan ng internet, radyo, telebisyon at offline modules.

Basahin: School opening moved to October 5 — DepEd

May kaugnayan: DepEd: Tagumpay vs COVID-19 ang unang araw ng eskwela

"Depende 'yan kay pangulo kung papahintulutan niya ito [physical classes]. 'Yung mga guidelines gagawa tayo jointly with the DepEd para masiguro natin na kung magkaroon man ng limited face-to-face classes, siguraduhin nating nasa lugar na low to minimal risk ang COVID cases," patuloy ng kalihim.

"[Dapat] ang kanilang hospital care, critical capacity ay sapat din at ang mga public health preparedness ay dapat masiguro natin na sila po ay talagang handa dahil kung saka-sakaling magkaroon ng kaso ay madali pong pamangasiwaan ang mga kasong ito."

Una nang sinabi ni Digong na maaari lang payagan ang face-to-face classes simula Enero 2021 o third quarter ng school year para sa mga low-risk areas.

Simula noong Enero, nananatiling walang kaso ng COVID-19 ang probinsya ng Batanes — bagay na tumagal ng walong buwan.

Unang napasok ng nakamamatay na virus ang probinsya noong Setyembre 2020 matapos magpositibo sa sakit ang isang locally tranded individual na inihatid ng Philippine Air Force noong buwang iyon.

May kinalaman: Batanes hindi na 'COVID-free,' unang kaso naitala mula sa LSI

Ano ba talaga? Kontradiksyon sa mga pahayag

Sa kabila ng panibagong paglilinaw na ito ng DOH, matatandaang sinabi ni Duque kahapon na pwedeng ikonsidera ang panunumbalik ng harapang pagtuturo sa mga estudyante sa mga low-risk at COVID-19 free areas sa Pilipinas.

"Kung ang lugar naman ay COVID-free for I think, two weeks or four weeks, walang risk halos, mababa ang risk, baka doon pwedeng pagbigyan," sabi ni Duque sa panayam ng CNN Philippines.

"Basta very low risk or minimal risk, I think that should be considered in the decision whether face-to-face classes will be allowed."

Ngayong araw lang din nang sabihin ni National Task Force Against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez na "magandang maibalik" ang face-to-face classes lalo na sa mgas medical schools lalo na't may lumalaking pangangailangan sa healthcare workers sa gitna ng pandemya.

"Tinitingnan po natin na kung kailangang kailangan natin ng health workers, ito pong face-to-face magandang maibalik po 'yun, lalo na sa mga tinatatawag na medical schools at tsaka medical courses para magkaroon tayo ng relief sa ating medical workers," ani Galvez sa "Laging Handa" briefing.

"'Yung mga ibang courses, nakikita natin, lalong-lalo na 'yung mga essential services ay pwede na rin po."

Kamakailan lang ng payagan ng IATF-EID ang face-to-face clinical internship program sa University of the Philippines College of Medicine sa pamamagitan ng Philippine General Hospital para na rin magkaroon ng "karelyebo" sa mga ospital.

Sa ngayon, case-to-case basis pa naman daw ito at hindi basta-basta pwedeng magbukas nang walang kaukulang inspeksyon.

vuukle comment

BATANES

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

SCHOOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with