^

Bansa

Pagtaas ng kaso ng COVID-19 dahil sa evacuation centers

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pagtaas ng kaso ng COVID-19 dahil sa evacuation centers
Well, tama po kayo, iyong pagtaas ay puwedeng ma-attribute natin iyan o ang kadahilanan niyan ay, unang-una, nagdaan itong dalawang malakas na bagyo o Typhoon—actually, hindi lang si Rolly, Typhoon Quinta nag-umpisa na tayo; Typhoon Rolly, Typhoon Ulysses ‘no. So iyong sa mga evacuation centers natin ay posibleng naging dahilan din iyan sa kaunting pagtaas ng kaso,” ani Duque.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Posibleng dahil sa mga evacuation centers kaya bahagyang tumaas ang kaso ng may COVID-19, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.

Binanggit ni Duque ang nagdaang dalawang malakas na bagyo na naging dahilan para mapuno ang mga evacuation centers.

“Well, tama po kayo, iyong pagtaas ay puwedeng ma-attribute natin iyan o ang kadahilanan niyan ay, unang-una, nagdaan itong dalawang malakas na bagyo o Typhoon—actually, hindi lang si Rolly, Typhoon Quinta nag-umpisa na tayo; Typhoon Rolly, Typhoon Ulysses ‘no. So iyong sa mga evacuation centers natin ay posibleng naging dahilan din iyan sa kaunting pagtaas ng kaso,” ani Duque.

Ipinahiwatig ni Duque na mananatili sa general community quarantine ang Metro Manila nga­yong Kapaskuhan kaya inaasahang mas dadami ang bilang ng mga lalabas sa kanilang mga tahanan.

Nagbabala naman si Duque na posibleng lumawak ang hawaan at dadami ang magkakaroon ng impeksiyon kapag ini­lagay ngayong Disyembre sa modified GCQ ang mga lugar na nasa GCQ kabilang ang Metro Manila.

Posibleng mahirapan na naman aniya ang health system capacity ng bansa na magiging isang malaking problema.

Kung ibaba sa MGCQ ang GCQ, nangangahulugan na mas magiging maluwag ang restrictions at mas maraming tao ang lalabas.

Nakatitiyak din si Du­que na mas marami ang mamimili, mamamasyal at pupunta sa kung saan-saan kaya hindi imposibleng tumaas ang contact at transmission rate.

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with