^

Bansa

Face-to-face classes tinabla ng DILG

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Face-to-face classes tinabla ng DILG
Ayon kay Año, sakaling payagan nang bumalik sa silid-aralan ang mga bata habang mayroon pa ring pandemya at nauwi ito sa hawahan ng virus, ay hindi naman ang mga taong nananawagan nito ang mananagot.
FREEMAN/File

MANILA, Philippines — Kinontra ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang panawagang ituloy na ang pagdaraos ng face-to-face classes.

Ayon kay Año, sakaling payagan nang bumalik sa silid-aralan ang mga bata habang mayroon pa ring pandemya at nauwi ito sa hawahan ng virus, ay hindi naman ang mga taong nananawagan nito ang mananagot.

Payo ng kalihim, hindi dapat madaliin ang pagkakaroon muli ng face-to-face classes dahil wala pang bakuna at marami pang Pinoy ang nagpopositibo sa COVID-19 araw-araw.

“Ang sinasabi natin, huwag na lang natin munang i-rush. Kasi ang tanong diyan, ikaw gusto mong gawin ‘yan pero sino ba ang responsable diyan? Ikaw ba? Ang ga­ling mong magrekomenda pero wala ka naman palang responsibilidad diyan,” paliwanag ni Año, sa panayam sa radyo.

“Kung magkasakit at magkaroon ng spike, ikaw ba ang gagamot diyan, ikaw ba magsasagot ng gastos diyan? Pangalawa, sino’ng magiging accountable?” aniya pa.

Nauna rito, nagpahayag ng pagsuporta si Sen. Sherwin Gatcha­lian, chairman ng Se­nate Committee on Basic Education, sa localized at limited face-to-face learning workshops upang mabawasan ang pasanin ng mga magulang sa pagtuturo sa kanilang mga anak.

Aniya, maging mga massage parlors ay bukas na rin, na indikasyong gumaganda na ang sitwasyon sa bansa.

Maging si Sen. Imee Marcos ay humirit din na buksan na ang face-to-face classes kung saan binanatan pa niya ang IATF dahil pinayagan ang pagbubukas ng sabungan kaysa mga eskwelahan.

Gayunman, sinabi ni Año na ang pagbabalik-paaralan ng mga bata ay nangangahulugang milyun-milyong mag-aaral ang lalabas ng kanilang tahanan at dadalo ng physical classes, na mahirap aniyang kontrolin.

Nanindigan din si Año na dapat sundin ang utos ng Pangulo na huwag na munang pabalikin sa paaralan ang mga bata hangga’t wala pang bakuna laban sa COVID-19.

vuukle comment

CLASS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with