^

Bansa

Serbisyo ng sibilyan dapat tanggapin ng gobyerno - Rep. Yap

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Serbisyo ng sibilyan dapat tanggapin ng gobyerno - Rep. Yap
Sinabi ito ni ACT-CIS Cong. Eric Yap, chairman ng House Appropriations Committee, sa pahayag ng Department of Justice-Alternative Dispute Resolution na huwag lumapit o humingi ng tulong sa mga television programs tulad ng sa Tulfo brothers para ayusin ang anumang gusot sa pamilya, trabaho o sa komunidad.
Facebook / Cong. Eric Go Yap

MANILA, Philippines — Dapat matuwa ang pamahalaan at tanggapin ang alok na tulong ng mga pribadong sektor at ilang mga indibidwal para sa mga ordinaryong mamamayan na naghihikahos o naghahanap ng hustisya.

Sinabi ito ni ACT-CIS Cong. Eric Yap, chairman ng House Appropriations Committee, sa pahayag ng Department of Justice-Alternative Dispute Resolution na huwag lumapit o humingi ng tulong sa mga television programs tulad ng sa Tulfo brothers para ayusin ang anumang gusot sa pamilya, trabaho o sa komunidad.

Ani Cong. Yap, mas maganda kung mas marami ang nahihingan ng tulong ng mga tao dahil hindi kakayanin ng pamahalaan ang lahat ng problema ng mga tao.

Ito anya ang dahilan kung bakit natetengga ang mga sumbong o reklamo na inilalapit ni Juan o Maria sa mga ahensya ng gobyerno na sa sobrang dami hindi na makayanan ng ahensiya.

Paliwanag pa ni Yap, katuwang naman ng media tulad nina Tulfo ang mga ahensya ng gobyerno sa pagtulong sa mga tao tulad ng DSWD, DOLE, DOJ, at PNP kaya “bakit sasabihin na wag lumapit sa media o kina Tulfo”?

Nauna rito, sa isang panayam kay DOJ-ADR Executive Dir. Irene Alogoc, sinabi nito na huwag lumapit sa mga TV programs tulad ng sa Tulfo brothers kung may mga gusot o problemang dapat ayusin dahil nawawala daw ang “confidentiality” ng kaso.

Pero ayon kay Yap, mabilis  daw kasi ang aksyon ng Tulfo brothers sa mga ganitong isyu kumpara sa mga ahensya ng gobyerno na inaabot ng ilang araw, buwan o taon pa kaya mas gusto ng mga taong lumapit sa kanila o sa media.

Dagdag pa ni Yap, walang monopolya sa pagtulong at lalong walang paligsahan sa kung sino ang pinakamarami o pinakamabilis o pinaka-epektibo na natulungan.

vuukle comment

ERIC YAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with