^

Bansa

Mataas na kaso ng COVID-19 sa Kamara sisilipin

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Mataas na kaso ng COVID-19 sa Kamara sisilipin
Ayon kay Quezon City-CESU Director Dr. Rolly Cruz, malinaw sa batas na walang exempted at kailangang agaran ang pagsusumite ng report sa mga kaso ng COVID.
STAR/File

MANILA, Philippines — Iimbestigahan ng Que­zon City Epidemio­logy and Surveillance Unit (CESU) ang pagtaas ng COVID cases sa Kamara matapos na maitala ang mahigit 40 kumpirmadong kaso na sinasabing nakuha umano sa kanilang trabaho.

Ayon kay Quezon City-CESU Director Dr. Rolly Cruz, malinaw sa batas na walang exempted at kailangang agaran ang pagsusumite ng report sa mga kaso ng COVID.

Aniya, mahigit 40 ca­ses na kanilang naitala ay pawang naninirahan sa Batasan at kalapit na barangay at ang workplace na kanilang inilagay ay sa Kamara.

Inamin ni Cruz na dahil pending ang report ng Kamara kaya nahihirapan silang i-trace kung ilan ang tunay na COVID cases. Aniya, kahit nagsasagawa na sila ng contact tracing ay nagiging limitado lang din dahil sa kawalan ng full disclosure mula sa Kamara.

Nagsasagawa na rin sila ng evaluation kung dapat na ideklara ang outbreak at isara ang Kamara.

Dahil dito, lumalabas na may batayan ang na­ging tahasang pagtuligsa ng mga kawani ng Kamara kina House Speaker Lord Allan Velasco, Deputy Speaker at 1Pacman Partylist Rep Mikee Romero, Diwa Partylist Rep. Mike Aglipay at House Secretary-General Dong Mendoza na lumabag sa quarantine protocol dahil mataas ang COVID cases sa Kamara.

Ang mga House leaders ay may direktang exposure kay TESDA Director Isidro Lapeña na nagpositibo sa virus dahil magkakasama silang dumalo sa isang dinner meeting na nakita pa sa larawan na wala silang suot na face masks.

Ikinatwiran ni Romero na nagnegatibo sila sa isinagawang COVID test, gayunman malinaw sa health guidelines ng Department of Health (DoH) na kahit negative sa test ay dapat pa rin na suma­ilalim sa 14 day quaran­tine.

Paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kailangan ang quarantine sa mga may direct exposure sa isang COVID patient kahit pa nagnegatibo sa test dahil ang virus ay maaaring mag-develop sa pagitan ng 2-14 araw pagkatapos ng exposure.

Hindi naman maitago ng mga kawani na maikumpara ang full transparency sa paghawak ng COVID cases sa panahon noon ni dating House Speaker Alan Peter Caye­tano na laging may update ng COVID cases si dating House Secretary-Gene­ral Jose Luis Montales kaya ang resulta ay aware ang mga kawani kung mayroong exposure sa nagpositibo sa virus ay sila na mismo ang nagse-self quarantine.

vuukle comment

COVID-19

KAMARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with