^

Bansa

PhilHealth sa Red Cross: P571 milyon balanse, bayaran na

Mer Layson, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
PhilHealth sa Red Cross: P571 milyon balanse, bayaran na
Ito ay kasabay ng pag-amin ni PRC chairman Sen. Richard Gordon na nagbabayad naman ang pamahalaan ng P100 milyon kada 10 araw para sa utang sa ginamit na COVID-19 RT-PCR test kits.
STAR/File

MANILA, Philippines — Muling nanawagan ang Philippine Red Cross (PRC) sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na bayaran na ang balanse sa kanilang utang na nasa P571 milyon.

Ito ay kasabay ng pag-amin ni PRC chairman Sen. Richard Gordon na nagbabayad naman ang pamahalaan ng P100 milyon kada 10 araw para sa utang sa ginamit na COVID-19 RT-PCR test kits.

“At least nagbabayad na ngayon. Nahihirapan din kami. Kahapon, may dumating - ang supply ng test kits, P200 million,” ayon kay Gordon.

Nakipagtawaran na rin umano ang PRC sa kanilang supplier ng RT-PCR test kits sa China para maibaba sa P3,409 ang halaga ng bawat test kits upang hindi lumagpas sa itinakdang P3,800 na presyo ng Department of Health (DOH) na nagpataw ng price cap sa swab test kits.

Nasa P4,800 ang presyo ng PRC sa bawat testing kits na ginagamit sa mga dumarating na OFWs bago ang implemetasyon ng price cap.

Planong ibaba ito ng PRC sa P3,300 ngunit inisyal na pepresyuhan nila ito sa P3,800 base sa price cap. Mas magiging mataas ito kung nagmamadali ang isang OFW na maisalang sa test at lumabas ang resulta.

vuukle comment

PHILHEALTH

PHILIPPINE RED CROSS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with