^

Bansa

Gamit ng nawawalang UP prof. narekober sa Occidental Mindoro

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Natagpuan ng mga awtoridad sa baybayin ng Barangay Balikyas sa bayan ng Looc sa Occidental Mindoro ang mga kagamitan ng nawawalang University of the Philippines (UP) law professor na si Atty. Ryan Oliva.

Batay sa ulat ni Occidental Mindoro Police director Col. Hordan Pacatiw, natagpuan ang gray na backpack ni Oliva na naglalaman ng mahahalagang personal na gamit.

Natagpuan umano ito ng residenteng kinilalang si Jinny Histas bandang alas-6 kahapon ng umaga.

Mamimingwit umano si Histas nang mapansin ang bag na bahagyang na­tatabunan ng buhangin at basura.

Gayunman hindi naman nakita sa lugar si Oliva.

Nasa loob ng bag ang iba’t ibang ID ni Oliva ma­ging ATM card isang Android phone.

Matatandaan na Nob­yembre 21 nawala si Oliva, na hepe ng Legislative Liaison Unit ng Department of Tourism.

Nanawagan naman ang pamilya ni Oliva sa kahit anong impormasyon na makatutulong sa pagtunton sa UP Law prof.

Ayon sa kanyang pamil­ya na maaaring ipagbigay ang impormasyon sa +63 906 300 1009, +63922 860 1900, o sa e-mail [email protected].

vuukle comment

UP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with