^

Bansa

Bong Go: Party-party ngayong holiday season iwasan muna

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan si Sen. Bong Go sa publiko na iwasan muna ang pagsasagawa ng mga party o pagtitipon sa darating na Pasko.

Paliwanag ni Go, ito ay upang makaiwas sa sakit sa COVID-19 ang bawat isa at para maiwasang muling tumaas ang kaso ng nasabing virus sa bansa.

Sinabi pa ng Senador, bagama’t naiintindihan niya ang kahalagahan ng family gathering tuwing Pasko, ay hindi pa rin dapat kalimutan na mas mahalaga pa rin ang kaligtasan ng bawat isa.

Dahil dito kaya dini-discourage umano niya ang anumang selebrasyon, o party na maaaring pagmulan ng hawaan ng nasabing sakit.

Nauna na rin hinikayat ni Go ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na maglatag ng alituntunin para sa pagsasagawa ng mga Christmas party.

Iginiit pa ng mambabatas na maaaring makasama ang bawat pamilya subalit wala munang parties dahil sobrang delikado ito lalo na at wala pang bakuna laban sa COVID-19.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with