^

Bansa

Abogado ni De Lima, binalaan ng VACC

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binalaan ng grupong Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), ang abogado ni Sen. Leila de Lima dahil sa sunud-sunod na pahayag nito na nalathala sa maraming pahayagan na diumano’y lumalabag sa sub judice  rule ukol sa mga kasong hinaharap sa kasalukuyan ng senadora.

Ayon sa isang pahayag, sinabi ng puno ng Legal Committee ng VACC na si Atty. Ferdinand Topacio na posibleng maging “liable for indirect contempt of court” si Atty. Boni Tacardon dahil nagdidiskurso na raw ito sa “merits of the case” gayong nasa paglilitis pa ang kaso ni De Lima.

Maaalalang ang VACC ang isa sa mga grupong nagsampa ng orihinal na kaso laban kay De Lima ukol sa tinatawag na “Bilibid Drug Trade” noong Setyembre ng 2017.

Sinabi ni Topacio na naghahanda ang VACC na magsampa ng kaso laban kay Tacardon dahil maaari raw makaimplu­wensiya sa korte at ma­galit ang mga taong-bayan sa justice system sa bansa dahil sa mga pinagsasabi ni Tacardon.

vuukle comment

VACC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with