^

Bansa

P73.2 bilyon inilaan sa COVID-19 vaccine ng 60 milyong Pinoy

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
P73.2 bilyon inilaan sa COVID-19 vaccine ng 60 milyong Pinoy
Sa press briefing kay Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes, sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na sa estimate nila, aabot ang halaga ng bakuna sa $25 o P1,200 kada tao.
AFP/Douglas Magno

MANILA, Philippines — Naglaan ng P73.2 bilyon ang pamahalaan para sa COVID-19 vaccine ng 60 milyong Filipino.

Sa press briefing kay Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes, sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na sa estimate nila, aabot ang halaga ng bakuna sa $25 o P1,200 kada tao.

Ang P40 bilyon ay kukunin sa World Bank, P20 bilyon sa Land Bank at DBP, at P13.2 bilyon sa bilateral agreements sa ibang bansa na gumagawa ng bakuna.

Samantala, sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque III na magkakaroon na ng “herd immunity” kapag nabakunahan ang nasa 60 milyong Filipino.

Ang herd immunity anya ay mula sa 60-70 percent ng populasyon ng bansa, na ayon sa World Health Organization ay kapag naabot ang nasabing bilang ay malaki ang posibilidad na mawala na ang COVID-19 sa bansa.

Uunahin sa bakuna ang mga mahihirap, frontliners, mga sundalo, pulis at mga vulnerable. 

vuukle comment

RODRIGO ROA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with