Duque, Rep. Garin kinasuhan ng 102 kaanak ng mga batang namatay sa Dengvaxia
MANILA, Philippines — Sinampahan ng kaso sa QC Prosecutor’s Office ng may 102 kaanak ng mga batang namatay sa Dengvaxia vaccine sina Health Secretary Francisco Duque, da-ting Health Secretary at ngayo’y Iloilo Rep. Janette Garin at iba pa kaugnay ng kontrobersiyal na isyu.
Ang mga complainant ay sinamahan ng abogado mula sa Public Attorney’s Office (PAO) sa pagpunta sa QC court.
Ayon kay PAO Chief Persida Acosta, bukod kay Garin at Duque kasama sa mga kinasuhan ang mga opisyal ng Sanofi Pasteur Inc., manufacturer ng Dengvaxia, Zuellig Pharma, Research Institute for Tropical Medicine at Food and Drug Administration.
Ang mga complainant ay kaanak ng may 101 bata na namatay sa bakuna at isang survivor na naba-kunahan ng dengvaxia. Anya ang mga biktima ay nabakunahan ng Dengva-xia kahit walang consent at blood test.
Itinakda naman ng QC Regional Trial Court Branch 107 ang arraignment at pre-trial ni Garin at iba pang respondents sa kaso sa Nov. 27 ng alas-2 ng hapon.
Ito ay makaraang magpalabas ng omnibus order si Presiding Judge Jose Bautista Jr. noong Nov. 18 na ituloy ang kasong reckless imprudence resulting homicide sa mga akusado matapos maka-kita ng probable cause hinggil dito.
Inatasan na ni Bautista ang mga respondents na magsumite ng kanilang pre-trial briefs tatlong araw bago ang pagbasa ng sakdal laban sa mga ito sa Biyernes.
- Latest