^

Bansa

Face mask, face shield ‘di uubra sa siksikang lugar

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Face mask, face shield �di uubra sa siksikang lugar
Kaugnay ito ng mga larawan ng siksikang mga tao sa Divisoria sa May-nila na tila hindi alintana ang panganib ng virus.
The STAR/Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Iginiit kahapon ng Department of Health (DOH) sa publiko na hindi sasapat ang pagsusuot lamang ng face masks at shields para makaiwas sa COVID-19 kung makikipagsiksikan naman sa mga matataong lugar.

Kaugnay ito ng mga larawan ng siksikang mga tao sa Divisoria sa May-nila na tila hindi alintana ang panganib ng virus.

Kung maaari umano ay iwasan ang mga kahalintulad na lugar, ipa­tupad ang physical distancing at alalahanin ang sariling kalusugan maging ang kanilang uuwian na pamilya.

Umapela rin ang DOH sa mga evacuees na nananatili sa mga evacuation centers at mga opisyal ng pamahalaan na iwasan ang pisikal na kontak sa isa’t isa bilang bahagi ng pag-iingat sa pagkalat ng virus.

Nauunawaan umano ng ahensya ang kasabikan ng mga biktima ng bagyo na makadaupang-palad ang mga opisyal ng gobyerno at makapagpasalamat sa mga tulong ngunit dapat munang iwasan ito dahil sa nananatili ang panganib ng virus.

Dapat iwasan ang pa-kikipagkamay, pagyakap, beso at iba pang pisikal na kontak at panatilihin pa rin ang physical distancing sa isa’t isa habang nag-uusap.

vuukle comment

FACE MASK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with