^

Bansa

Pagpapakawala ng tubig sa dam isama sa NDRRMC text alert

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pagpapakawala ng tubig sa dam isama sa NDRRMC text alert
Paliwanag ni Gordon, chairman at CEO ng Phillippine Red Cross (PRC), na natatantya naman ang dami ng tubig na papakawalan at ang posibilidad ng pagbaha kaya dapat na maging maagap ang pagbibigay ng babala sa publiko.
Ernie Peñaredondo/File

MANILA, Philippines — Inirekomenda ni Sen. Richard Gordon na isama ang pagpapakawala ng tubig sa mga dam sa text alert ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ito ay para mabigyang babala at mahikayat ang mga residente na maaaring bahain na agad lumikas mula sa kanilang mga tahanan.

Sa ngayon ang alert ng NDRRMC ay para lang sa bagyo,lindol at panganib ng storm surge.

Paliwanag ni Gordon, chairman at CEO ng Phillippine Red Cross (PRC), na natatantya naman ang dami ng tubig na papakawalan at ang posibilidad ng pagbaha kaya dapat na maging maagap ang pagbibigay ng babala sa publiko.

Nauna nang tinukoy na ang dahilan ng malawa-kang pagbaha sa Cagayan Valley, Metro Manila at iba pang bahagi ng Northern at Southern Luzon ay dahil sa pagpapakalawa ng tubig ng mga dam dahil sa pag-ulan dulot ng bagyong Ulysses.

Nilinaw naman ni Gordon na hindi na kailangan pa ng panibagong batas para maiwasan na maulit ang matitinding pagbaha kundi kailangan lang na pagbutihin ng National Irrigation Administration (NIA) ang panga-ngasiwa sa mga dam.

vuukle comment

NDRRMC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with