^

Bansa

DOH: Lagpas 415,000 na ang COVID-19 cases sa Pilipinas; patay nasa 8,025

James Relativo - Philstar.com
DOH: Lagpas 415,000 na ang COVID-19 cases sa Pilipinas; patay nasa 8,025
Litrato ng mga mamimili sa isang palengke habang nasa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic
The STAR/Edd Gumban, File

MANILA, Philippines — Habang papalapit ang pagsasara ng ika-36 na linggo ng community quarantine sa Pilipinas, hindi pa rin nahihinto ang pagpasokng panibagong kaso ng coronavirus disease.

Sa pinakabagong mga numero ng Department of Health, Biyernes, pumalo na ito 415,067 na ng tinatamaan nito sa bansa — mas marami ng 8,025 kumpara sa iniulat kahapon.

Nasa walong laboratoryo naman ang hindi nakapagpasa ng kani-kanilang mga bagong datos sa COVID-19 Data Repository System (CDRS).

Samantala, dito natagpuan ang karamihan sa mga COVID-19 cases na inilabas ng kagarawan:

  • Davao City (113)
  • Laguna (76)
  • Quezon City (75)
  • Rizal (75)
  • Cavite (63)

Nasa 31,805 ang ang aktibong kaso ngayon sa Pilipinas, bagay na naabot matapos iawas ang mga namatay at gumaling na sa COVID-19.

Patay naman na sa ngayon ang 8,025 sa bansa dahil sa sakit, matapos madagdagan ng 27 iba pa.

Nasa 305 naman ang bagong gumaling sa pathogen. Sumatutal, 373,237 na ang total local recoveries.

"[Two] duplicates were removed from the total case count. Of these, 1 was a recovered case," dagdag ng DOH sa isang pahayag.

"Moreover, 6 cases previously tagged as recovered were reclassified as deaths."

Kasabay ng pamamayagpag ng Davao City sa mga new COVID-19 cases sa buong Pilipinas, kanina lang nang ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglalagay ng lungsod sa mas mahigpit na quarantine classification.

Mula sa pinakamaluwag na modified general community quarantine (MGCQ), ibinalik na kasi sa general community quarantine ang Davaohanggang ika-30 ng Nobyembre.

Basahin: Palace: Davao City under GCQ until November 30

Samantala, ikinatuwa naman ng Palasyo na nasa nasa 66% ng mga Pilipino sa ngayon ang handang mabakunahan laban sa COVID-19 oras na dumating ito sa Pilipinas, ayon sa bagong survey ng Social Weather Stations (SWS).

"We view this as a positive development as this means that more Filipinos trust the current government's vaccination program," sabi ni presidential spokesperson Harry Roque kanina.

"We, however, hope there will be a significant increase in the number of Filipino willingto get the COVID-19 vaccine as President Rodrigo Roa Duterte wants all Filipinos to get vaccines, with priority given to the poor, indigents and other vulnerable sectors."

May kinalaman: SWS: Halos 2 sa 5 Pilipino ayaw magpabakuna vs COVID-19

Sa kasalukuyan, 55,928,27 na ang nadadali ng COVID-19 sa buong daigdig ayon sa World Health Organization. Nasa 1.34 milyon na riyan ang pumanaw habang nakikipaglaban sa sakit. — may mga ulat mula sa News5

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with