^

Bansa

Kaliwa Dam magdudulot ng pinsala kaysa biyaya – solon

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Kaliwa Dam magdudulot ng pinsala kaysa biyaya � solon
Ito ang binigyang diin kahapon ni Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat kaya ipinanawagan niya na itigil na ng pamahalaan ang konstruksyon ng natu-rang dam at maging ang lahat ng mga large-scale na mapaminsalang mining operations sa gitna na rin ng pananalasa ng malalakas na bagyo sa bansa.
dof.gov.ph

MANILA, Philippines — Sa halip umanong biyaya o kaunlaran ay pinsala lamang ang idudulot ng konstruksiyon ng Kaliwa Dam.

Ito ang binigyang diin kahapon ni Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat kaya ipinanawagan niya na itigil na ng pamahalaan ang konstruksyon ng natu-rang dam at maging ang lahat ng mga large-scale na mapaminsalang mining operations sa gitna na rin ng pananalasa ng malalakas na bagyo sa bansa.

“Sa loob ng dalawang buwan, nanalasa sa ating bansa ang tatlong bagyo na nag-iwan ng mga malala-king pinsala sa iba’t ibang bahagi ng bansa na nagdulot ng matinding pagbaha, landslide, pagkawasak ng agrikultura, imprastraktura, kabahayan habang marami rin ang nasawi,” sabi ni Cullamat.

Ayon sa solon, sa kabila ng trahedyang idinulot ng mapaminsalang mga aktibidades ay nagpapatuloy pa rin ang mga proyektong sumisira ng kalikasan partikular na ang pagmimina na nagkakalbo sa mga kabundukan at kagubatan.

Idinagdag pa dito ang mga dambuhalang dam na nagpapakawala ng napakaraming tubig na naglulubog sa maraming bayan,” pahayag ng Lumad solon.

“Kaya dapat nang ihinto ang mga mapanirang proyektong ito. Hindi kaunlaran, kundi panganib ang idudulot nito sa taumbayan,” ani Cullamat.

Ipinunto ni Cullamat na hindi solusyon ang mega dam tulad ng Kaliwa dam sa kahirapan ng pagkukunan ng tubig kung saan ay labis na maapektuhan ang mga Lumad sa nasabing proyekto.

vuukle comment

KALIWA DAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with