^

Bansa

State of calamity sa buong Luzon idineklara ni Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inilagay na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa state of calamity ang buong Luzon dahil na rin sa matinding pinsala na idinulot ng magkakasunod na bagyong tumama sa bansa.

“Last night I think I signed the proclamation,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang public address, Martes ng gabi.

Nauna rito, inirekomenda ng Natio­nal Disas­ter Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kay Pangulong Duterte na isailalim sa state of calamity ang buong Luzon.

Ito ay matapos ang sunud-sunod na pagha­gu­pit ng bagyong Quinta, Rolly at Ulysses.

Base sa Republic Act 10121 o Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010, awtomatikong nagkakaroon ng price freeze sa mga pangunahing pangangailangan sa loob ng 60 araw, maliban na lang kung iaangat ang deklarasyon bago pa matapos ang 60 araw.

Maaari ring magpataw ng price ceiling o hangganan sa pagtataas ng presyo, sa mga pangunahing pangangailangan at bilihin ayon sa rekomendasyon ng mga ahensya.

Tiniyak naman ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na patuloy ang kani-lang pakikipag-ugnayan sa anim na rehiyon na tinamaan ng mga bagyong Ulysses at Rolly.

Ayon kay Lorenzana, umaabot pa sa 200,954 pamilya ang nananatili sa mga evacuation centers mula sa kabuuang bilang na 692,169 na iniulat ng mga LGUs.

vuukle comment

STATE OF CALAMITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with