^

Bansa

UP Diliman, itinanggi ang recruitment sa CPP-NPA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dumepensa ang pamunuan ng University of the Phi-lippines (UP)-Diliman Campus sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroong recruitment sa kanilang mga estudyante para maging bahagi ng Communist Party of the Philippines New Peoples Army (CPP-NPA).

Ayon kay UP Vice President for Public Affairs Dr. Elena Pernia, hindi bahagi ng mission ng UP na mag-recruit ng mga estudyante para gawing miyembro ng grupong kaaway ng pamahalaan.

Ayon kay Pernia, dapat daw ay makita ng Pangulo ang malaking kontribusyon ng UP sa lipunan at hindi sa iilang mag-aaral na may ibang paniniwala.

Anya kung titingnan ang kasalukuyang pamahalaan, marami ang mga alumni ng UP ang kasama ngayon ng Pangulong Duterte sa paglilingkod sa bansa.

Inihalintulad niya si Presidential Spokesman Harry Roque at mga mambabatas na nasa Senado at Kamara na pawang mga bunga ng UP.

Itinanggi rin ni Pernia na nagmula sa pamunuan ng UP ang panawagang academic break at ito ay nangga-ling lamang sa mga militanteng grupo na hindi naman kumakatawan sa buong eskwelahan.

vuukle comment

UP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with