^

Bansa

Kuwestyonableng pondo sa 2021 budget ililipat sa ‘Ulysses’ rehab ng LGUs

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Kuwestyonableng pondo sa 2021 budget ililipat sa �Ulysses� rehab ng LGUs
Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, may P68 billion allocations ang natukoy nitong kuwestiyunableng proyekto.
Geremy Pintolo/ File

MANILA, Philippines — Para mapondohan ang rehabilitasyon ng mga local government units na na­hagupit ng bagyong Ulysses, tatanggalan ni Sen. Panfilo Lacson ng pondo ang mga tinukoy nitong corrupt-ridden at skeleton multi-purpose building projects na nasa 2021 national budget na inaprubahan ng Kamara.

Ayon kay Lacson, may P68 billion allocations ang natukoy nitong kuwestiyunableng proyekto.

Sa nasabing halaga ay isusulong nitong gamitin ang P20-B para pondohan ang rehabilitasyong gagawin ng LGUs.

Katwiran ni Lacson, tama lamang na gawin ang realignment dahil ang National Expenditure Program (NEP) ay nagawa bago pa man ang pananalasa ng bagyong Rolly, Quinta at Ulysses.

Ang iba pang pondo ay iminungkahi ni Lacson na mailipat sa national broadband program ng Department of Information and Communications Technology.

Una na ring ibinunyag ni Lacson ang hindi patas na hatian ng alokasyon sa mga infrastructure budget ng mga Kongresista na ang pinakamalaki ay mula sa distrito sa Davao, Benguet, Albay at Abra.

Sa halip na honor roll ay horror roll umano ang tawag sa mga kongresista na pinaboran sa mga bil­yong infra projects.

Matatandaan na sa naging House Speakership row kamakailan ay ginawang isyu kay dating House Speaker at Taguig Rep. Alan Peter Cayetano ng mga kaalyado ni Marinduque Rep. at ngayon ay House Speaker Lord Allan Velasco na sina Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves, 1 Pacman Partylist Rep. Mikee Romero at Oriental Mindoro Rep. Doy Leachon ang hindi pantay-pantay na infrastructure allocation sa budget kung saan inakusahan ng mga ito si Cayetano na pinaboran ang ilang mga mambabatas.

Kasunod ng naging pagpalit ng liderato ng Kamara ay sa ilalim ng pamumuno ni Velasco napasa ang 2021 budget.

vuukle comment

LGU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with