^

Bansa

PhilHealth, 144 dialysis sessions ang sasagutin ngayong 2020

Pilipino Star Ngayon
PhilHealth, 144 dialysis sessions ang sasagutin ngayong 2020
Sinabi ng PhilHealth na inaprubahan na ng kanilang Board of Directors ang dagdag na sesyon na maaaring ma-avail hanggang Disyembre 31, 2020.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Inihayag ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na 144 dialysis session na ang sasagutin nila para sa mga may sakit sa bato ngayong 2020, mula sa dating 90 sessions.

Sinabi ng PhilHealth na inaprubahan na ng kanilang Board of Directors ang dagdag na sesyon na maaaring ma-avail hanggang Disyembre 31, 2020.

Sa komputasyon ng PhilHealth, katumbas ito ng libreng gamutan sa buong taon.

“Alam natin na ’yung 90-session limit ng PhilHealth... ay nananatili na kulang pa rin. Kaya nga itong paggagawad ng up to 144 sessions sa taong ito, napakalaking tulong po ito,” ani PhilHealth Spokesperson Rey Baleña.

Nagpapasalamat naman ang mga dialysis patient. Pero kung tutuusin, kulang pa rin daw ang 144.

Samantala, sinabi ng Malacañang na nakikipag-ugnayan din ang PCSO para mabigyan pa ng P10,000 financial assistance ang mga dialysis patient ngayong may pandemya.

Wala pang kongkretong plano sa dialysis coverage ng PhilHealth sa susunod na taon, pero posible umanong manatili o mapalawig ang 144 sessions.

vuukle comment

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with