^

Bansa

60-anyos retirement age sa PNP isinulong

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinusulong ni Sen. Leila de Lima na gawing 60 taong gulang ang retirement age ng mga opisyal at non-officers ng Philippine National Police (PNP) mula sa kasalukuyang 56 anyos.

Sa Senate bill 1899 ni De Lima, maikokonsidera umanong “bata” pa para agad magretiro ang mga opisyal at personnel ng PNP sa edad na 56 lalo na kapag ikinonsidera silang italaga sa mataas na posisyon tulad ng nangyari kay dating PNP chief Gen. Camilo Cascolan na dalawang buwan lamang nanungkulan.

Nakasaad din sa reso­lusyon na dapat ikonsidera ang pagbabago ng life expectancy at taon na malusog na pamumuhay at ang abilidad at pagnanais ng isang miyembro ng PNP na mahabang makapaglingkod.

Base umano sa life expectancy data ng Pilipinas ay tumaas ito simula noong 2000 habang nagpahayag na rin si DILG Secretary Eduardo Año na ang pagpapalawig ng retirement age ay makakasiguro ng mas mabuti at experienced men sa hanay ng PNP.

Ang maagang compulsory age or retirement age na 56 umano ay nanga­ngahulugan na sa oras na ang isang senior officer na kwalipikado at may experience para ma-promote sa position ay agad na matatapos tulad ng nangyari kay Cascolan.

Napagkakaitan din umano ang mga mas ba­tang henerasyon ng mga pulis ng oportunidad para maturuan sila ng kanilang mga senior officials na nagtataglay ng galing, high level of fitness, agility at lakas ng katawan.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with