^

Bansa

50% discount ng senior citizens sa passport aprub ng Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaprubahan na ng House Committee on Ways and Means ang panukalang batas na nagbibigay ng 50% discount sa mga senior citizens na kukuha ng passport.

Ang nasabing panukala ay amyenda sa Passport Law na nagtataas ng diskuwento ng senior citizen mula 32% ay gagawing 50% ang bayad sa pagpoproseso, pag-iisyu at pagre-renew ng mga passport. Ito ay ipatutupad din sa hanay ng mga Persons With Disabilities (PWDs).

Samantala, awtorisado naman ang Department of Foreign Affairs na itaas ang presyo ng passport ng 50% sa kasaluku­yang singil.

Nabatid na ang DFA ay sumisingil ng P950.00 sa regular na pag-a-apply ng passport sa loob ng 12 araw; P1,200 sa pinabilis na proseso o 6 araw sa  Metro Manila at 7 araw naman sa labas ng National Capital Region. Ang mga dayuhan ay sisingilin naman ng $60.

Hindi naman kabilang sa nasabing rate o sinisingil sa passport ang delivery fee  na depende sa layo ng lokasyon at karagdagang convenience fee sa online payments.

vuukle comment

SENIOR CITIZEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with