Pangulong Duterte nagbabala ng 2nd pandemic
MANILA, Philippines — Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi huling pandemic ang COVID-19 na makakaapekto sa buong mundo.
Ayon sa Pangulo, sa ginanap na 15th East Asian Summit sa pamamagitan ng virtual meeting, na ang susunod na “big one” ay darating subalit ang tanong lamang ay kung kailan ito mangyayari, kaya dapat magkaroon ng epektibong warning system.
Sa pinakahuling datos ang COVID-19 ay umabot na sa 53.9 million kaso sa buong mundo na may 34.7 million recoveries at 1.31 million death.
Habang patuloy naman naghahanap ng gamot laban sa nasabing virus ang iba’t ibang laboratoryo ay pharmaceutical firm sa buong mundo laban sa Covid-19.
Iginiit naman ng Pangulo na ang bakuna ay dapat available sa lahat ng bansa mayaman man o mahirap.
Dahil dito kaya humingi ng suporta si Duterte sa partner mula sa ASEAN Center for Public Health Emergencies and Emerging Diseases at sa ASEAN Regional Reserve of Medical Supplies.
- Latest