^

Bansa

67 na patay kay ‘Ulysses’

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
67 na patay kay �Ulysses�
Ang mga larawan mula sa Philippine Coast Guard ay nagpapakita ng ilang mga Pilipino sa mga munisipalidad ng Amulung, Alcala, Lal-lo, at Gattaran sa Cagayan na nananatiling nakakulong sa kanilang bubong.
Philippine Coast Guard/Release

MANILA, Philippines — Pumalo na sa 67 ang patay sa pananalasa ng bagyong Ulysses sa bansa base sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon.

Ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Timbal, 22 sa 67 patay ay mula sa Cagayan Valley Region, dalawa sa Central Luzon, 17 sa Calabarzon, walo sa Bicol Region, 10 sa Cordillera Administrative Region (CAR), at walo sa National Capital Region (NCR).

Nananatili namang nasa 12 ang nawawala kung saan walo sa Bicol Region, tatlo sa NCR, at isa sa Calabarzon. Habang 21 ang sugatan - siyam sa Calabarzon, walo sa Bicol, tatlo sa Central Luzon at isa sa CAR.

Nasa P1.19 billion ang naitalang pinsala sa sektor ng agrikultura partikular sa Regions 1, 2, 3, Calabarzon, Region 5 at Cordillera region.

Umabot na sa P469.7 million ang pinsala sa imprastraktura sa Region 1, Mimaropa at Region 5.

Nasa 25,852 naman na mga kabahayan ang nasira dahil sa hagupit ng bagyo.

Nilinaw ng NDRRMC na walang discrepancy sa kanilang mga figures dahil sumailalim na ito sa validation.

Binigyan diin ni Timbal na prayoridad nila ngayon ay ang rescue operations.

vuukle comment

NDRRMC

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with