^

Bansa

Climate change sinisi sa malalakas na bagyo, baha

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinisi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa climate change ang dahilan ng malalakas na bagyo at malawakang pagbaha sa bansa tulad ng nangyari sa Cagayan at Isabela.

“Ang problema talaga is whether we accept it or not, yung climate change. The warm climate that boils the Pacific Ocean, there’s a lot of water vapor going upstairs and accumulating into so much rain,” ayon kay Duterte sa situation briefing kahapon sa Cagayan.

Bago ito sa dinaluhang East Asia Summit, nanawagan si Duterte sa mga bansa na tugunan ang climate change.

Siniguro naman ng Pangulo sa mga flood-hit residents sa Cagayan Valley na patuloy ang pagtulong ng gobyerno at gagawin nito ang lahat para muling ibangon ang kanilang buhay mula sa pagkawasak nang manalasa ang bagyong Ulysses.

Tiniyak niya ito matapos personal na magtungo sa Cagayan Valley kasama si Sen. Bong Go at magsagawa ng aerial inspections at briefing kasama ang iba pang opisyal ng pamahalaan.

Pinamamadali rin niya sa kanyang gabinete ang pamamahagi ng relief goods.

Nagpahayag din ng pakikiramay ang Pangulo sa mga pamilya na namatayan at sinabi na milyong pisong halaga ng tulong ang ipagkakaloob sa Region II ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno kabilang na rito ang DSWD, local government units at non-government organizations.

vuukle comment

CLIMATE CHANGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with