^

Bansa

Alamin: Luzon malls na 'libre tuluyan' ngayong gabi vs Typhoon Ulysses

Philstar.com
Alamin: Luzon malls na 'libre tuluyan' ngayong gabi vs Typhoon Ulysses
Litrato ng exterior ng SM North EDSA
Mula sa Facebook ng SM North Edsa

MANILA, Philippines — Habang tumitindi ang banta ng bagyong Ulysses bago mag-landfall sa Luzon, ilang shopping malls ang nagmagandang loob na patuluyin sa kani-kanilang gusali ang sinumang maiipit sa gitna ng typhoon.

Basahin: Typhoon Ulysses sasalpok ng Calaguas Islands 'sa susunod na 3 oras' 

Ilan na nga sa mga 'yan ang SM Supermalls at Robinsons Malls, na magbibigay ng libreng parking, internet connection at charging ng gadgets.

"Our malls in Luzon will be open to stranded customers and nearby residents who are affected by the typhoon," ayon sa SM Supermalls sa isang pahayag, Miyerkules.

Aniya, iwe-waive nila ang kanilang parking charges ngayong ika-11 ng Nobyembre, maliban sa free WiFi, charging stations at help desks.

Halos ganyan din naman ang serbisyong ibibigay ng Robinsons malls para sa lahat ng kanilang malls sa National Capital Region, North Luzon at South Luzon.

Ang tanging malls na hindi magsisilbing temporary shelters ay ang Robinsons Place Ilocos at Robinsons Place GeTrias.

Bandang 4 p.m. nang huling mamataan ng PAGASA ang Typhoon Ulysses 60 kilometro silangan hilagangsilangan ng Daet, Camarines Norte at posibleng tumama o lumapit nang husto sa Calaguas Islands sa mga susunod na oras.

Kasalukuyang nasa signal no. 3 ang 19 lugar sa Luzon, gaya na lang ng Metro Manila, Camarines Norte, Catanduanes, Batangas, Laguna, Cavite, Rizal atbp.

Tinatayang magbubunsod ng malaking pinsala, baha at matataas na "storm surge" ang bagyo, bagay na banta sa buhay nang maraming residente. — James Relativo

vuukle comment

PAGASA

ROBINSONS MALLS

SM SUPERMALLS

TYPHOON

ULYSSES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with