^

Bansa

P4.5 trilyon national budget isinalang na ng Senado

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinalang na sa plenaryo ng Senado ang General Appropriations Bill (GAB) o panukalang P4.5 trillion budget para sa 2021.

Sa sponsorship ni Finance committee chairman Sen. Sonny Angara, sinabi niya na ang pambansang budget ang pinakaimportanteng legislative measures ng kongreso na kailangang ipasa kada taon.

Subalit mas kritikal umano ito ngayon dahil sa global at national crisis dulot ng COVID-19 kaya kabilang ngayon sa prayoridad sa budget ay ang pag-angat sa health system ng bansa.

Prayoridad din ang disaster relief sa susunod na taon dahil sa walang tigil na kalamidad ngayong taon sa Pilipinas.

Hindi naman ginalaw ng Senado ang kontrober- syal na P19 bilyon budget para sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa ka­bila ng panawagan ng mga senador mula sa oposisyon.

Posibleng lagdaan ni Pangulong Duterte ang panukala bago ang Pasko para maging ganap na batas at maipatupad sa unang araw ng Enero 2021.

vuukle comment

NATIONAL BUDGET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with