^

Bansa

Pagpapalawig ng lifeline rate sa electric consumers, suportado ni Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Suportado ni Senator Christopher “Bong” Go ang panukala na nagpapalawig sa probisyon ng discounted rate, mas kilala bilang lifeline rate, na ibinibigay sa low-income electric consumers na hindi makabayad nang buo sa kanilang electri-city bills.

Sa kanyang mani­pestasyon, binanggit ni Go ang pagkalumpo ng ating ekonomiya na dulot ng COVID-19 pandemic na sanhi rin ng pagsasara ng maraming negosyo kaya libu-libo ang nawalan ng trabaho.

Dahil dito, marami ring low-income households ang nahihirapang ma-kabayad ng kanilang electricity bills na nakonsumo sa panahon ng ipinatutupad na lockdown.

“Maraming Pilipino po ang naghihirap ngayon dahil sa COVID-19 pandemic sa bansa. Mara-ming nawalan ng trabaho, maraming nagsarang negosyo at maraming nagkakasakit. Sana naman ay huwag nating dag­dagan pa ang kanilang pag-aalala sa iba’t ibang mga bayarin,” apela niya.

Ang naturang panukala ay inisponsoran ni Sen. Sherwin Gatchalian. Layon nitong amyendahan ang Section 73 ng Republic Act No. 9136, mas kilala bilang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) of 2001.

Sa ilalim ng EPIRA law, ang lifeline rate ay discounted rate na ibinibigay sa low-income consumer na kumokonsumo ng hanggng 100 kWh ng kuryente kada buwan.

Ang diskuwento ay idedetermina base sa average ng buwanang konsumo ng kuryente na maaaring i-apply nang hanggang 10 taon at ikakarga ng higher-income consumers.

vuukle comment

COVID-19 PANDEMIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with