Ex-envoy na nagmaltrato ng kasambahay kinasuhan na
MANILA, Philippines — Nasampahan na ng kaso si dating Philippine ambassador to Brazil Marichu Mauro dahil sa pang-aabuso nito sa kanyang kasambahay na Pinay.
Kinumpirma ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na pinadalhan na nila si Mauro ng kopya ng reklamo laban sa kanya.
Pinagbigay-alam na rin niya kay Pangulong Duterte ang hakbang laban kay Mauro, subalit hindi pa naman malinaw kung nahaharap ang ambassador sa kasong administratibo o kriminal.
Tiwala naman si Locsin na hindi magtatagal ang pag-iimbestiga ng DFA sa isyu na daraan naman sa pag-apruba o pagbasura ng Board of Service Administration bago makarating sa tanggapan ng kalihim.
Samantala, binigyan naman ng DFA ng P200,000 bilang financial aid ang kasambahay ni Mauro na nakabalik na sa kanyang bayan sa Koronadal City, South Cotabato.
- Latest