^

Bansa

Health workers na nagka-COVID-19 umakyat sa 11,297

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Health workers na nagka-COVID-19 umakyat sa 11,297
Sa naturang bilang, may 268 pa sa kanila ang kasalukuyan na aktibong kaso na nilalapatan ng lunas o nagpapalipas ng isolation period.
Henry Facistol, file

MANILA, Philippines — Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga health workers na nahahawa rin ng COVID-19 na umabot na sa 11,297 mula noong buwan ng Marso, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa naturang bilang, may 268 pa sa kanila ang kasalukuyan na aktibong kaso na nilalapatan ng lunas o nagpapalipas ng isolation period.

Sa bilang na ito, 129 ang mild cases, 105 ang asymptomatic, 23 ang severe, at 11 ang kritikal.

Nabatid naman na may 10,958 na ang nakarekober sa sakit habang 71 ang tuluyang nasawi sa kanilang hanay.

Habang lumuwag na ngayon ang load ng mga medical facility sa Cebu dahil sa pagbaba ng kaso ng COVID-19, iniulat naman ng DOH-Davao ang pagiging ‘overburdened’ ng mga pagamutan dahil sa pagtaas ng kaso ng dinadapuan ng virus sa Davao Region.

Sinabi ni Dr. Cleo Fe Tabada, ng DOH-Davao, na dahil sa dami ng pasyente at takot sa sariling kalusugan, marami umano sa mga health workers ang nagbakasyon muna habang ang ilan ay nagbitiw na sa trabaho dahilan para lalong lumiit ang bilang nila.

Dahil dito, nangangamba si Tabada na maaaring lumala pa ang sitwasyon sa Davao kung hindi agad maaagapan at magawan ng paraan para masuportahan ang healthcare system sa rehiyon.

vuukle comment

COVID-19

HEALTHWORKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with