^

Bansa

‘Tonyo’ pumasok na sa PAR

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang isang Low Pressure Area sa silangan ng Mindanao kahapon ng alas-2 ng hapon.

Ayon sa PAGASA, ang LPA ay namataan sa layong 955 kilometro silangan ng Visayas at kumikilos pakanluran hilagang kanluran papuntang Eastern Visayas.

Ang LPA na ito ay inaasahang magiging bagyo ngayong Sabado ng hapon at tatawaging Tonyo sa susunod na 36 na oras.

Ang trough ng LPA ay magdudulot ng kalat-kalat na mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at minsa’y malakas na pag-ulan sa buong Mindanao, Eastern at Central Visayas gayundin sa Bicol Region.

Samantala, ngayong Sabado ay nakalabas na ng bansa ang bagyong Siony.

vuukle comment

PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with