^

Bansa

‘One-strike policy’ ipatutupad sa BI

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
�One-strike policy� ipatutupad sa BI
Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ina­tasan na niya ang bagong likhang Board of Discipline (BOD) na masusing pag-aralan ang mga reklamo laban sa mga tauhan at iulat sa kaniya ang mga ito.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Magpapatupad ang Bureau of Immigration (BI) ng ‘one-strike policy’ sa mga tauhan na mapapatunayang sangkot sa anomalya gaya ng ‘pastillas scheme.’

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ina­tasan na niya ang bagong likhang Board of Discipline (BOD) na masusing pag-aralan ang mga reklamo laban sa mga tauhan at iulat sa kaniya ang mga ito.

Kung makakakuha ng balidong mga rason, agad niyang irerekomenda ang pagsibak at pagsasampa ng kaso sa Department of Justice.

Binubuo ang BOD nina Atty. Ronaldo Ledesma na dating OIC Commissioner ng BI at lima pang abogado na itinalaga ng DOJ.

Sa kanilang datos mula 2016, may 131 tauhan na ang nasuspinde at natanggal sa trabaho dahil sa sari-saring mga pagkakasala at kapalpakan.

vuukle comment

BI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with